Yung nakikita mo sa TV, sa pelikula… kapag yung taong matagal mo nang nakita ay makikita mo na… yung scene na tatakbo sya palapit sayo, o tatakbo yung naghihintay palapit sa kanya o kaya sabay silang tatakbo palapit sa isa’t-isa… totoo pala talaga yun. Ganun yung nangyari samin nung hinahanap na namin si Kuya. Ang hirap kasi pare-parehas sila ng suot, ng tindig, ichura… kaya ang hirap mahanap ni kuya. Pag yung katabi namin, nahanap na yung anak nya, tapos lumuluha na sila sa ligaya, lalo kaming nasasabik. Lalo na si mama at papa. Kitang kita naman dito sa larawang to eh.